MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 442

 

 

Sa muli, ang mga Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo, kasama ang mga Pilipinong nandito sa bansang Czech Republic, ay binibigyan ng pagkakataong gamitin ang kanilang karapatan na pumili ng kanilang pinuno na maaaring kumatawan at maging tinig nila kahit sila ay wala sa Pilipinas.

Ang kasalukuyang halalan ay isang pagkakataon upang ang mga mangagawang Filipino sa labas ng bansa ay makapili ng nararapat na kandidato na maaaring maging tagapagsalita ng kanilang mga saloobin, pananaw, naisin at aspirasyon para sa isang mabuting hinaharap ng ating bayan.

Kayo po ay aking inaanyayahan na gamitin ang inyong karapatang bumoto para sa eleksyon ng pagka Senador at party-list. Nagsimula na po ang botohan noong ika-13 ng Abril at magtatapos sa ika-13 ng Mayo sa oras ng ala-una ng hapon.

Kayo po ay aking pinapayuhang bumoto ng maaga upang maiwasan ang pagmamadali para po naman ang inyong boto ay mapabilang at marinig ng nakakakarami.

Maging bahagi po kayo ng pagbabago at progreso ng ating bayan. Bumoto para sa ikabubuti ng kinabukasan.

Salamat po at magkita-kita po tayo sa Embahada.