MENU
 Mga kababayang rehistradong botante sa Republika ng Tseko: Huwag palampasin ang pagkakataong bumoto para sa #Halalan2025! PARA MAKABOTO: Hakbang 1 – Mag-enroll sa https://ov.comelec.gov.ph/enroll gamit ang inyong smartphone o computer.  Hakbang 2 – Bumoto sa https://ov.comelec.gov.ph/vote. (Paalala: Huwag i-click ang mga link mula dito sa Facebook; kopyahin at idikit ang mga ito sa inyong browser.) Bukas po ang Embahada araw-araw mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para tumulong: ✅ Sa pre-enrolment procedure – dalhin ang inyong PASSPORT ✅ Sa pagboto gamit ang ONLINE KIOSK.  Isang linggo na lang ang natitira — huwag  ipagpabukas ang pagboto! Halina't bumisita sa Embahada ng Pilipinas sa Prague at makiisa sa paghubog ng kinabukasan ng ating bayan!